Panibagong RORE mission, matagumpay na naisagawa sa Ayungin Shoal

Nakapagsagawang muli ng Rotation and Reprovisioning mission ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, isinagawa ang RORE mission kahapon, Nov 14 katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG).

Wala naman silang naitalang untoward incident sa kasagsagan ng misyon.


Pagtitiyak ng AFP, hindi nila pababayaan ang kanilang mga tauhan na nakaistasyon sa Ayungin Shoal at iba pang islang inookupa ng Pilipinas sa WPS.

Patuloy anilang ipatutupad ang kanilang mandato na protektahan ang soberanya ng Pilipinas.

Facebook Comments