Panibagong Salary Standardization Law, pag-aaral ng DOF at DBM

Pag-aaralan ng Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) ang posibilidad ng panibagong Salary Standardization Law.

Batay sa panukalang P5.268 trillion budget para sa 2023, nakasaad na nasa P49.5 million dito ang inilaan sa mga Governance Commission ng mga Government Owned Controlled Corporation (GCG).

Dahil dito, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na posibleng sa 2024 ay magkaroon ng bagong umento sa sahod ang mga empleyado ng pamahalaan.


Gayunpaman, magsasagawa muna ng pag-aaral ang GCG para sa panibagong tranche ng Salary Standardization.

Facebook Comments