May panibagong sama ng panahon o low pressure area (LPA) na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kaninang alas-tres ng hapon, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 1,310 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Nanatiling mababa ang tiyansa ng LPA na maging bagyo sa susunod na 24 oras.
Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na patuloy na makakaapekto ang Southwest monsoon o Habagat sa Visayas at Mindanao.
Dahil dito, aasahan ang maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan sa Western Visayas, Negros Island Region, Occidental Mindoro at Palawan.
Para naman sa lagay ng panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, aasahan ang bahagyang maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan at tiyansa ng localized thunderstorms.