Matagumpay ang isinagawang Site Visit ng Cities Development Initiatives for Asia (CDIA), National Economic Development Authority (NEDA) Region 1, Private-Public Partner Center (PPPC), at PhilKoei International, Inc. Consulting Team para sa pagsisimula ng Project Preparatory Study ng Tri-Ferry System ng mga lungsod ng Alaminos, Dagupan at San Fernando, La Union.
Nilalayon ng proyekto sa Alaminos City na buhayin ang sea transportation sa Lingayen Gulf sa pamamagitan ng pagkonekta sa tatlong lungsod na inaasahang magpapalakas pa sa ekonomiya at turismo ng mga nasabing pangunahing tourism at growth areas sa Region 1.
Makakatulong din ito upang masolusyonan ang problema sa trapiko, climate change at mabilisang paghatid ng mga pasahero at mga produkto. | ifmnews
Facebook Comments