Inilabas ng Department of Trade and Industry o DTI ang bagong presyo ng mga basic necessities o mga pangunahing produkto na nakitaan ng pagtaas sa mga presyo nito.
Nasa labing-dalawang mga produkto ang nagtaas sa presyo mula halos 50 cents hanggang 21 pesos at 75 cents. Ito ay ang mga sardinas, gatas, kape, noodles, tinapay, sabon at kandila. Nagtaas din ang corned beef, mga pampalasa at baterya.
Samantala, tiniyak ng DTI na sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa lalawigan ng Pangasinan. Nag-iikot ikot din ang ahensya upang makita kung nasusunod ba ang bagong inilabas ng price guide sa mga business establishments.
Hinikayat pa ahensya ang mga mamimili na ugaliing maging mapatmatyag sa mga SRP at presyo ng mga produkto at upang masiguro na swak sa pinambabayad mo ang ang kalidad ng iyong mga binibiling produkto. |ifmnews
Facebook Comments