Bubuksan na sa publiko ang panibagong station ng EDSA busway sa Nobyembre sa kahabaan ng Malibay, Pasay City.
Ayon kay Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor, ito ay upang mabigyan pa ng access ang publiko sa mass transportation at ang inaasahang pagdagsa ng pasahero ngayong holiday season.
Dagdag pa ni Pastor, nagdagdag na rin sila ng 100 bus sa naturang ruta upang pagserbisyuhan ang 350,000 pasaherong gumagamit nito.
Muli namang iginiit ng opisyal na hanggang katapusan ng Disyembre ngayong tao ang libreng sakay sa EDSA busway dahil wala itong nakalaang pondo sa 2023 budget ng kagawaran.
Samantala, patuloy pa ring pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagsasapribado ng busway upang magkaroon ng legal at technical basis ito upang maisakatuparan.