PANIBAGONG STREETLIGHTS, NAIKABIT NA SA BRGY. ALINMA

Cauayan City – Lumiwanag na ang pambansang lansangan sa nasasakupan ng Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela matapos mapalitan ng bago at mas maliwanag na ilaw ang mga streetlights.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Ronald Peralta, kapitan sa nabanggit na barangay, malaking tulong ito upang mabawasan na makapagtala ng aksidente at kriminalidad sa kanilang lugar.

Ayon kay Kapitan Peralta, aminado itong noong madilim pa sa kanilang lugar ay mayroong mga naitatalang insidente ng nakawan maging aksidente sa lansangan partikular sa bahagi ng tulay sa boundary ng Bayan ng Alicia at Cauayan.


Sa kabuuan ay mayroong 33 bagong ilaw ang naikabit na, ngunit hinihiling nito sa pamahalaang lungsod ng Cauayan na kung maaari ay madagdagan ng ilan pang ilaw sa bahagi ng tulay at sa bahagi ng bukirin na bahagya pa ring madilim.

Facebook Comments