Panibagong substitution ng mga nominees ng Duterte Youth Partylist, hinaharang sa Comelec ng grupo ng mga kabataan

Naghain ng panibagong oposisyon sa Comelec ang grupong Millenials PH at si dating Comelec Chairman Sixto Brillantes laban sa panibagong substitution ng Duterte Youth Partylist.

Personal na nagtungo sa Comelec ang mga kabataang petitioner kasama si Attorney Brillantes.

Naniniwala ang mga petitioner na ilegal ang panibagong substitution ng Duterte Youth sa kanilang mga nominado.


Nauna nang naghain ng panibagong nomination ang Duterte Youth Partylist para sa pag-upo ni Ronald Cardema bilang first nominee ng partido.

Sa kabila ito ng pag-disqualify sa kanya ng Comelec dahil sa pagiging overage.

Facebook Comments