Inilabas na kahapon ng Department Of Trade And Industry (DTI) ang updated na listahan ng Suggested Retail Price (SRP) para sa ilang mga pangunahing bilihin.
Ito ay matapos payagan ng DTI ang ilang manufacturer na mag-adjust ng presyo dahil sa epekto ng oil price hike.
Apat na brand ng sardinas ang magmamahal ng P0.50 hanggang piso.
Habang nasa P0.20 hanggang P0.45 kada pakete naman ang dagdag-presyo sa dalawang brand ng instant noodles, maging sa toyo at suka.
May pisong dagdag din sa presyo ng ilang brand ng bottled water habang P0.30 kada pakete ang dagdag-presyo sa isang brand ng sabon.
Kasabay nito, tiniyak ng dti na patuloy ang kanilang pagbabantay para mahuli ang mga negosyanteng mag-o-overpricing ng kanilang mga produkto.
Hinikayat din nito ang mga konsyumer na magsumbong kung lampas sa srp ang presyo ng mga nabanggit na produkto.
Samantala, wala din namang nakikitang pagtaas ng presyo sa mga susunod na buwan, lalo na sa pasukan.