Panibagong suicide bombing nangyari sa detachment ng militar sa Indanan Sulu

Isa na namang suicide bombing ang nangyari sa Barangay Tagbak Indanan Sulu pasado alas-5:00 ng hapon kahapon.

 

Ayon kay Lt Col Gerard Monfort ang tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu isang naka suot ng black abaya ang sinita ng bantay sa gate ng kampo ng 35th Infantry Batallion dahil sa tuloy tuloy nitong pagpasok sa gate.

 

Pero sa halip na huminto ay tuloy tuloy pa rin ito sa pagpasok kaya agad kinutuban ang tropa at  nag- fighting position.


 

Ilang minuto ang lumipas bigla itong sumabog.

 

Hinala ng mga sundalo isang  babae ang bomber dahil mahabang buhok ang nakita sa labi nito.

 

Nananawagan naman si Western Mindanao Command Lt Gen Cirilito Sobejana sa mga taga Sulu na manatiling kalmado at mapagmatyag.

 

Tinitiyak aniya nilang kontrolado nila ang sitwasyon para mapanatili ang kapayapaan at development sa BANGSAMORO Region.

Facebook Comments