Panibagong supply ng bigas mula Northern at Central Luzon, dumating na sa Metro Manila

Dumating na sa Metro Manila ang panibagong supply ng bigas mula sa Northern at Central Luzon.

Ayon sa National Food Authority (NFA) Administrator Judy Carol Dansal, 29 na libong sako ng bigas ang kasama sa rice caravan at ide-deliver sa iba’t-ibang warehouses ng NFA sa Kamaynilaan.

Ito na ang pang anim na caravan ng bigas mula sa mga lalawigan mula nang ipatupad noong March 16 ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.


Ipampupuno naman ang naturang suplay sa mga stocks sa NCR at upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Local Government Unit (LGU) at relief agencies.

Una nang iniutos ni Dansal ang full-blast milling ng palay stocks ng NFA at pinadagdagan ang transfer ng supply ng rice stocks hindi lamang sa NCR kunndi pati na sa ibang region na nasa ilalim ng ECQ.

Ito’y dahil sa pagtaas ng demand ng bigas para sa relief operations sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments