Panibagong supply ng Sinovac vaccine, nakarating na sa Sulu at Tawi-Tawi

29

Nakarating na kahapon sa mga lalawigan ng Sulu at Tawi-Tawi ang mga panibagong kahon-kahon ng Sinovac vaccine lulan ng eroplano ng Philippine Air Force.

Sa Tawi-Tawi naihatid ang dalawagng kahon o 2,600 vials ng vaccine habang sa Sulu nai-transport ang tatlong kahon o 4,200 vial ng Sinovac vaccine.


Samantala, nakatakda namang ihatid ng militar ang tatlong kahon o 3,520 vials ng Sinovac vaccine sa Basilan sa pamamagitan ng Navy vessels.

 

Facebook Comments