Panibagong supply ng vaccine makukuha na ng PNP

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police sa Department of Health para makuha ang panibagong supply ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ay matapos na maisagawa ang unang rollout ng Sinovac vaccine nang nakaraang Linggo sa PNP.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, AztraZeneca vaccine ang kanilang matatanggap mula sa DOH pero hindi pa nila alam kung ilang dose ang kanilang matatanggap.


Naghihintay rin daw sila ng update sa DOH simula pa kahapon para malaman kung kelan ang eksaktong petsa na makukuha nila ang AstraZeneca vaccine.

Sa unang rollout ng bakuna sa PNP, halos 1,200 PNP personnel ang nabakunahan ng Sinovac vaccine.

Samantala, una nang sinabi ng PNP na 70 porsyento ng mahigit 200,000 na mga miyembro ng PNP ang nagboluntaryong magpabakuna habang patuloy na hinihikayat ng PNP ang iba pang pulis na nagdadalawang isip magpaturok ng anti-COVID-19 vaccine.

Facebook Comments