
Kinumpirma ni NCRPO Director Major Gen. Anthony Aberin na sumuko na sa mga awtoridad ang isa pang suspek sa pamamaslang sa isang policewoman at sa 8 taong gulang nitong anak.
Nabatid na nauna nang naaresto ang 4 na mga suspek na kinabibilangan ng isang car agent, asawa nitong dismissed na pulis, kanilang helper at ang dating asawa ng nasawing policewoman na isa ring pulis.
Samantala, nauna nang sinabi ng PNP tiwala sila sa hawak na nilang “significant update” sa nasabing kaso.
Facebook Comments










