Panibagong taas-presyo sa noche buena items, pinabulaanan ng DTI

Itinanggi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ulat na may inaprubahan silang panibagong taas-presyo sa noche buena products.

Paglilinaw ni DTI Secretary Ramon Lopez, Agosto pa nang huling mag-apruba ang ahensya ng hirit na dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin.

August 31, 2021 nang ilabas ng DTI ang bago nitong Suggested Retail Price (SRP) kung saan nagmahal ang presyo ng ilang pangunahing bilihin gaya ng kandila, sabon, de lata, noodles, gatas, kape at mga pampalasa.


Noong September 2019 pa huling pinayagan ang mga manufacturer na magtaas ng presyo.

Tiniyak naman ni Lopez na hindi gaanong makakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang sunod-sunod na taas-singil sa pretrolyo.

Facebook Comments