Abiso sa mga motorista!
Nakaamba na naman ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito na ang ikatlong linggo ng price increase sa produktong petrolyo sa bansa.
Batay sa oil trading monitoring, tataas ng ₱2.00 hanggang ₱2.30 ang kada litro ng diesel.
Habang, tataas naman ng ₱0.20 hanggang ₱0.50 ang kada litro ng gasolina.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau o DOE-OIMB Director Rino Abad, ang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo ay dahil na rin sa mga lockdown sa China dulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.
Karaniwang ipinatutupad ang price adjustment sa petrolyo tuwing araw ng Martes.
Facebook Comments