Inanunsyo ng Manila Electric Company o MERALCO ang panibagong pagtaas ng singil sa kuryente para sa buwan ng Marso
Taliwas ito sa naunang anunsyo ng kumpaniya noong isang buwan na magbabawas-singil sila sa kuryente ngayong buwan
Ayon sa MERLACO, bunsod ito ng pagtaas ng transmission charge na ipinapataw ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP
Batay sa abiso ng MERALCO, Php 0.20 kada kilowatt hour ang magiging umento sa buwanang billing ng mga customer nito na kumokonsumo ng 200 kwh na kuryente
Una nang ipinahiwatig ng MERALCO ang panibagong umento sa singil sa kuryente bunsod naman ng gagawing pagbabago sa kanilang power supply agreement sa kanilang supplier.
Facebook Comments