Manila, Philippines – Maglalagay muli ng panibagong tanda o maritime marker ang militar sa Philippine Rise.
Ito ay bilang mapagtibay ang maritime rights ng Pilipinas sa 13 million hectare underwater plateau sa silangan ng Luzon.
Magsasagawa rin ng inspeksyon ang ilang divers mula sa Philippine Army, Air Force, Navy at coast guard para ayusin din ang watawat ng Pilipinas na inilagay sa ilalim ng katubigan noong nakaraang taon.
Nakatakda ang aktibidad sa April 12 na pangungunahan ng Armed Forces of the Philippines-Northern Luzon command.
Facebook Comments