Panibagong terror attack sa UK, kinundena ng Philippine Embassy

35

United Kingdom – Kinundena ng Philippine Embassy sa London ang pag-atake kagabi sa Finsbury Park Mosque sa United Kingdom.

Hinihimok naman ng embahada ang mga Pilipinong nangangailangan sa kanilang tulong na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy.

Sa ngayon, wala pang report ang embahada kung may Pinoy na naapektuhan sa naturang terror attack.

Patuloy ang pakikipag- ugnayan ng Philippine Embassy sa British authorities.

Facebook Comments