Amerika – Panibagong travel warning ang inilabas ngayon ng Amerika sa mga mamamayan nito na bibiyahe sa ilang lugar sa Pilipinas.
Ayon US state department – pinayuhan ang mga mamamayan nila na iwasan muna na bumiyahe sa Marawi City at sa Sulu dahil sa banta ng mga terorista at mga rebeldeng grupo.
Kinakailangan din munang kumuha ng “special authorization” mula sa US embassy ang mga mamamayan nito bago pumunta sa mga nasabing lugar.
Samantala, kinumpirma ng Malacañang na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na palalawigin ang martial law sa Mindanao hanggang December 31, 2017.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – pinag-aralan mismo ng Pangulo ang sitwasyon sa Marawi City at ibang bahagi ng Mindanao.
Kinunsidera rin ng Pangulo ang rekomendasyon ng AFP at PNP bago siya nagdesisyon na hindi pa tuluyang nasusugpo ang rebelyon sa Mindanao.
Sa Sabado ay matatapos na ang anim napung araw na inisyal na implementation ng martial law sa Mindanao.
Ito rin ang araw kung saan magsasagawa ng joint session ng kongreso para pag-usapan ang hiling ni Digong na kalahating taong martial law extension.