Panibagong unauthorized transactions, naitala ng BDO sa ilang accounts ng kanilang mga kliyente

377

Manila, Philippines – Panibagong unauthorized transactions ang naitala ng BDO Unibanks Inc. sa ilang accounts ng kanilang mga kliyente.

Kasunod na rin ito ng reklamo ng ilang netizens na may mga unauthorized transaction sa kanilang mga accounts.

Ayon sa BDO Corporate Communications Department – ini-imbestigahan na nila ang report at magbibigay sila ng pahayag kapag may resulta na ang imbestigasyon.


Ang bagong insidente ay kasunod ng pangyayari noong June 16 nang makatanggap ang bangko ng mga ulat mula sa mga cardholders na may iligal na withdrawal sa kanilang accounts.

Facebook Comments