Panibagong vaccine booking system, bubuuin ng Quezon City

Bubuo ng panibagong vaccine booking system ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Ito ay matapos pumalya ang eZConsult na gagamitin upang makapagrehistro ang mga nais magpabakuna kontra COVID-19.

Sa inilabas na statement ng lungsod, maglalatag ng panibagong online registration system para sa mga nais magpabakuna kontra COVID-19.


Nasa final testing stages na anila ito at magiging available sa publiko sa susunod na linggo.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na patuloy silang magpapatupad ng mga hakbang para matiyak ang maayos at magkaroon ng efficient access sa COVID-19 vaccines.

Humihingi naman ng pasensya at pang-unawa ang Quezon City sa mga residente sa iba’t ibang paraan ng pagrehistro o pag-book ng pagpapabakuna na kanilang inilunsad.

Facebook Comments