Hindi pa tuluyang natatapos ang COVID-19 pandemic.
Ito ang ibinabala ni World Health Organization (WHO) Chief Tedros Ghebreyesus sa gitna ng panibagong wave ng naturang sakit dulot ng mga Omicron sub-variants.
Ayon kay Ghebreyesus, nangangamba siya dahil sa patuloy na pagsipa muli ng mga kaso habang bumibigat ang trabaho ng health systems at workers.
Sinabi pa ng opisyal, dapat mag-deploy ang mga gobyerno ng mga “tried and tested measures” tulad ng pagsusuot ng face mask, pagsasaayos ng ventilation at test at treat protocols.
Sa pagtaya ng WHO, tumaas ng 30% ang COVID-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo dahil sa mga Omicron sub-variants na BA.4 at BA.5 at pagtanggal ng public health at social measures.
Facebook Comments