Posibleng makaranas ang Metro Manila ng panibagong wave ng COVID-19 dahil sa pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa virus.
Ito ay makaraang sumipa sa 9.2% ang seven-day positivity rate sa National Capital Region noong November 22 mula sa 7.4% noong November 15.
Batay sa datos ng Department of Health, kahapon ay naitala sa NCR ang pinakamataas na bilang ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo na nasa 3,382.
Ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, posibleng may nakapasok na mga bagong subvariants kaya tumaas ulit ang tinatamaan ng sakit sa NCR.
Kung hindi mababago ang trend ay posibleng maranasan sa rehiyon ang COVID-19 wave na kagaya noong Hunyo.
Bukod sa mga bagong subvariants, maaari ring dahilan ng pagtaas ng positivity rate ang humihinang proteskyon ng bakuna at mas mataas na mobility.
Nananatili namang mababa ang hospital utilization rate ng bansa kaya wala pa aniyang pangangailanga na maghigpit muli ng COVID-19 restrictions.