Panibagong wildfire, sumiklab sa paanan ng Mount Kanlaon sa Negros Occidental

Matapos ang wildfire Benguet, sumiklab naman ang panibagong wildfire sa paanan ng Mount Kanlaon sa La Castellana, Negros Occidental.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimulang sumiklab ang apoy sa Barangay Biak na bato at Barangay Masulog sa Las Castellana noong hapon ng March 14.

Umabot ito hanggang kahapon, March 15 kung saan nakontrol ng pasado alas dos ng hapon.


Agad din ng nagpadala ng Provincial Disaster Management and Program Division Office para tumulong sa mga bumbero.

Wala namang nasaktan sa wildfire habang patuloy ang assessment sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments