Panig ng minorya sa Kamara, bukas sa paggamit ng bansa ng nuclear energy

Bukas si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera na gamitin sa Pilipinas ang nuclear energy partikular ang pagtatayo ng small nuclear reactors o SNRs.

Para kay Herrera, mahalagang bigyan ng konsiderasyon ang mungkahi ng Estados Unidos ukol sa paggamit ng nuclear energy bilang dagdag o alternatibong pagkukunan ng enerhiya ng bansa.

Pero diin ni Herrera, dapat magkaroon muna ng feasibility studies, engineering assessments, safety evaluations, at economic analysis bago magsagawa ng kongkretong pagpapasya.


Bukod dito ay iginiit ni Herrera na kailangan din na aralin muna ang revisions sa Philippine Energy Plan upang ipakita ang kabuuan at pangmatagalang plano sa paggamit ng nuclear energy.

Facebook Comments