Dagupan City – Iginiit ni Social Welfare Officer, Editha Gorospe ng LGU Calasiao ang kanyang reaksyon tungkol sa suhestiyon ng lower house na isabatas ang pagbaba ng age of criminal liability sa 12 anyos. Suhestiyon nito ay hindi dapat pababaan kundi panatilihin ang 15 anyos na basehan ng pag aresto sa mga children in conflict with the law (CICL).
Iminungkahi din nito na mas mainam kung bibigyan ng atensyon ang pagpapaigting sa implementasyon ng mga batas na sumasaklaw rito partikular na ang RA 9344. Sinang-ayunan naman ito SWO II, Evelyn Dismaya at dagdag pa nito na marami pang ibang rehabilitation program at intervention na maaring isagawa upang mabago ang buhay ng mga CICL at maprotektahan ang kanilang kinabukasan at karapatan.
*Ulat ni Pamela Joy Aquino, UL Mass Communication Student* [image: 51165968_2249193508634951_8952429569789394944_n.jpg]
Panig ng Social Welfare sa maaaring pagsabatas ng House Bill 8858
Facebook Comments