PANIMULANG PUHUNAN, IPINAGKALOOB NG LGU CAUAYAN

Cauayan City – Pinagkalooban ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan ng panimulang puhunan sa pagnenegosyo ang ilang pamilya na mula sa lungsod.

 

Pinangunahan ni Cauayan City Mayor Hon. Jaycee Dy ang pag-aabot ng Start-up Capital na nagkakahalaga ng P5,000 sa limang pamilyang napiling maging benepisyaryo.

 

Ang perang ito ay iginawad upang kanilang magamit sa pagsisimula ng maliit na negosyo na maari nilang palaguin upang mapagkunan ng kita na magagamit sa kanilang pang araw-araw na gastusin.


 

Ilan sa livelihood activities na napili ng limang benepisyaryo ay ang negosyo katulad ng pagtitinda ng iba’t-ibang klase ng kakanin, gulay, pagkolekta ng scrap o mga bakal at bote, pagtatanim ng mga gulay at iba pa.

Facebook Comments