Isinakatuparan na sa Dagupan City ang Smoke and Vape-Free Zone alinsunod sa Ordinance No. 2357-2025, na naglalayong bawasan ang paggamit ng sigarilyo at vape upang mas maprotektahan ang kalusugan ng publiko.
Ayon sa ordinansa, ang mga mahuhuling lumalabag ay papatawan ng sumusunod na parusa: sa unang paglabag ay pagbibigay ng babala at pagsasailalim sa oryentasyon tungkol sa masamang epekto nito sa kalusugan; sa ikalawang paglabag, multang ₱500 o apat na oras ng community service; at sa ikatlong paglabag, multang ₱1,000 o walong oras ng community service.
Kasama rin sa information campaign ang pagpapakita ng mga larawan ng karaniwang sakit na dulot ng paninigarilyo at vaping, tulad ng lung cancer, oral cancer, throat cancer, at heart disease, upang higit na maunawaan ng publiko ang panganib.
Tinututukan ng lokal na pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad ng ordinansa upang makalikha ng mas ligtas at mas malusog na komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









