Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga naninigarilyo na ihinto ang kanilang pagyo-yosi bilang paggunita sa “World No Tobacco Day” ngayong araw, May 31.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – bagamat mahirap ihinto ang paninigarilyo, ang unang hakbang na kailangan ay ang simulan ang pagdedesisyon.
Aniya, maiiwasan ang smoking-related diseases kapag itinigil ang paninigarilyo.
Giit din ng kalihim na ang paninigarilyo ay nakakaapekto rin sa kalusugan ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Facebook Comments