Paninigarilyo lalo na sa mga kabataan, dapat mapigilan para mabawasan ang posibilidad na mahawa sa COVID-19

Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian ang pangangailangan na palawakin at paigtingin pa ang kampanya kaugnay sa masamang epekto ng patuloy na paninigarilyo lalo na sa hanay ng mga kabataan.

Pahayag ito ni Gatchalian, makaraang sabihin ng World Health Organization (WHO) na may kaugnayan ang paninigarilyo sa malalang kaso at pagkamatay ng mga COVID-19 patients.

Sang-ayon si Gatchalian sa paghikayat ng WHO sa mga naninigarilyo na ihinto ang bisyo dahil sa masamang dulot nito tulad ng pagkakaroon ng cancer at pagiging mas madaling mahawa ng sakit.


Binanggit din ni Gatchalian na base sa iba’t ibang global at national tobacco surveys sa Southeast Asia, ay ang Pilipinas ang pangalawa sa may pinakamataas na bilang ng naninigarilyo at karamiham sa mga ito ay mga kabataan na nasa edad 13 hangang 15.

Facebook Comments