Paninigarilyo sa mga pampublikong sementeryo, ipinagbabawal

Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Health (DOH) sa publiko na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong sementeryo at memorial parks sa Undas 2022.

Ayon sa MMDA, nagtalaga ng smoke-free task forces ang mga Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila upang matiyak na maayos na maipatupad ang naturang ordinansa.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P500 hanggang P5,000.


Pinapayuhan din ang mga bibisita sa mga sementeryo na sumunod sa COVID-19 minimum health protocols.

Facebook Comments