Paniniktik sa mag-asawang Tiamzon – mariing itinanggi ng AFP, pagpapagamot naman sa bansa ni Joma Sison – inalok ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang mga ulat na tinitiktikan nila ang mag-asawang komunista na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Ito ay matapos sabihin ng National Democratic Front of the Philippines na may mga hindi kilalang lalaki na sumusunod sa mag-asawa Tiamzon matapos nilang makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte at magsasaka ng Lapanday.

Sa interview ng RMN kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo – hinamon nito ang ndfp na maglabas ng ebidensya sa naturang akusasyon.


Bagaman hindi naman direktang inakusahan ng NDFP ang AFP, nilinaw ni Arevalo na committed sila sa peace negotiations ng pamahalaan at ng mga komunista.
Sa pagdating sa bansa kaninang madaling araw ni Pangulog Rodrigo Duterte, muling iginiit nito ang ligtas na pagbabalik sa bansa ni CCP-NDFP Founding Chairman Joma Sison.
Paglilinaw ng pangulo, bagamat kailangan niyang protektahan ang kanyang mga sundalo bilang kanilang commander in chief, bukas pa rin ito sa usapang pangkapayapaan sa CPP-NDFP-NPA.

Facebook Comments