
Para kay Kabataan Party-list Rep. Atty. Renee Co, pinagtibay ng mga isiniwalat ni dating Cong. Elizaldy Co na ang gobyerno ng Pilipinas at si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang mafia boss, hari ng korapsyon at “Commander-in-thief.”
Ayon kay Co, malinaw ngayon ang “systemic” ang korapsyon sa Pilipinas at ang Malacañang ang nasa sentro nito.
Diin ni Cong. Renee, basag na ang pagpapanggap ni Marcos na wala siyang kaalam-alam o lumusot sa paningin niya ang korapsyon dahil lumalabas na puro kasinungalingan ang report nito kahapon.
Giit ni Co, dapat talagang mapalitan ang buong sistema at dapat makulong ang lahat ng sangkot o korap hanggang sa pinakatuktok, kasama si Marcos Jr. mismo.
Para kay Co, dapat bantayan din si Vice President Sara Duterte na maituturing naman na reyna ng korapsyon dahil kung kaya nitong itakbo ang ₱125 million na coonfidential funds sa loob ng 11 araw ay tiyak kaya din nitong waldasin ang trillions pesos na badyet ng buong bansa.









