Paninindigan ni PBBM na ipagtanggol ang West Philippine Sea, suportado ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa

Suportado ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagtanggol ang West Philippine Sea.

Sa inilabas na pahayag ng RAM, ipinahayag nito na buo ang kanilang suporta kay Pangulong Marcos sa kaniyang matapang na posisyon sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Marcos sa United States Pacific Command na kahit isang pulgada ay hindi niya papayagan na masakop sa West Philippine Sea.


Mismong ang pangulo ang nangako na ipaglalaban niya ang soberenya ng Pilipinas sa teritoryong sakop ng bansa sa West Philippine Sea.

Kasunod nito, iginiit ng RAM na hindi katanggap tanggap ang ginagawang panggigipit ng China sa West Philippine Sea.

Facebook Comments