Paninindigan ni PRRD sa Pag-asa Island, pinuri ni dating DFA Sec. Del Rosario

Pinuri ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging paninindigan nito sakaling magpatuloy ang pagiging agresibo ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippines Sea.

Sabi pa ni Del Rosario, dapat suportahan ng lahat si Pangulong Duterte sa ganitong usapin.

Matatandaan na nitong Biyernes (April 5) nagbanta ang Pangulo na magpapadala ng tropa para sa suicide mission kung magpapatuloy ang presenya ng mga barko ng China lalo na sa Pag-asa Island.


Iginiit din ni Pangulong Duterte ang pakikipagkaibigan sa China pero hindi dapat galawin ng China ang Pag-asa Island.

Ayon pa kay Del Rosario, dapat magkaisa ang mga Pilipino at suportahan si Pangulong Duterte sa ipinapakita nitong pamumuno na siyang angkop at kahanga-hanga.

Matatandaan na naghain ng reklamo sa International Criminal Court (ICC) si Del Rosario kasama si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Chinese President Xi Jinping at iba pang matataas na opisyal ng China.

Facebook Comments