Paninindigan ni Sec. Teodoro sa WPS, suportado ng gruponog Bantay Kapayapaan

Suportado ng Alyansa ng Bantay Kapayapaan ang paninindigan ni Department of National Defense o DND Secretary Gilbert Teodoro sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at mariin tinututulan ang pahayag ng Chinese Embassy.

Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang pagtatanggol ni Teodoro sa soberanya ng Pilipinas ay hindi pagmamayabang, kundi pagpapakita ng tunay na pagkamakabayan.

Iginiit ni Goitia ang pangangailangang harapin ang agresyon ng Tsina at hinimok ang lahat na suportahan ang katotohanan at ipagtanggol ang teritoryo ng bansa.

Iminungkahi niya ang muling pagsusuri sa 1987 Manila Declaration ng ASEAN at ang pangangailangan ng sama-samang pagkilos ng bansa sa ASEAN para mabago ang sistema at maiwasan ang impluwensiya ng China sa UN Security Council.

Para kay Goitia, ang laban sa WPS ay laban ng bawat Pilipino, hindi lamang ng gobyerno kung kaya’t nanawagan siya ng katapangan at pagiging makabayan saka huwag basta manahimik habang inaangkin ng ibang bansa ang mga yaman at seguridad ng Pilipinas.

Facebook Comments