Saturday, January 24, 2026

Paninindigang mapapanagot si Atong Ang, hindi bibitawan ng Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na hindi bibitawan ng pamahalaan ang paninindigang mapanagot sa batas ang mga sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ito ang iginiit ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa gitna ng patuloy na pagtatago ni Charlie “Atong” Ang, na sinasabing tumatanggap pa umano ng tulong mula sa tinaguriang mga “foreign friends.”

Ayon kay Castro, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi pinalalagpas ang naturang kontrobersiya at personal itong binabantayan ng Pangulo.

Partikular na ipinagkatiwala aniya ng Pangulo ang pagmomonitor ng kaso kay dating Justice Secretary at kasalukuyang Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Patunay umano ito na seryoso ang pamahalaan sa pagbibigay ng hustisya sa mga pinaniniwalaang biktima ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Nanawagan din ang Malacañang sa sinumang may nalalaman o impormasyon kaugnay ng kaso na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapabilis ang imbestigasyon at tuluyang makamit ang hustisya.

Facebook Comments