Inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatigil sa paniningil ng bayad sa mga sasakyang nagde-deliver ng mga goods na dumadaan sa mga national roads o mga daang hindi naman pinagawa ng mga Local Government Unit (LGU).
Batay sa tatlong pahinang Executive Order No. 41 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang Septemebr 25 nakasaad ang pagbabawal na sa paniningil ng bayad ng mga LGU sa mga motor vehicle na bumabaybay sa mga national road at iba pang kalsadang hindi naman pinagawa ng LGUs.
Ilan sa mga partikular na pinahihintong singilin ay ang sticker fees, discharging fees, delivery fees, market fees, toll fees, entry fees, or Mayor’s Permit fees.
Naniniwala ang gobyerno na ang paniningil ng mga bayaring ito ay mas lalong nagpapataas ng presyo ng goods at commodities na ibinebenta sa mga palengke.
Ayon pa sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), nilabas ang kautusang ito para matiyak rin mas mabilis na pagta transport ng mga goods sa buong bansa batay na rin sa stratehiya ng gobyerno na muling pasiglahin ang local industries na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028.