Paniningil ng Manila Water ngayong Marso, hiniling na suspendihin muna

60

Pinasusupinde ng bayan muna ang Manila Water sa pangongolekta ng bayad sa tubig kasunod ng water interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila.

 

Ilang lugar sa Metro Manila ang hindi pa nagkakasuplay ng tubig matapos na mangako ang Manila Water na maibabalik agad ang serbisyo nito.


 

Giit ng Bayan-Muna, kung walang suplay ng tubig ay dapat na wala din munang ilalabas na payment collection ang water concessionaire sa mga customers na naapektuhan ng kawalan ng suplay ng tubig ngayong Marso.

 

Hindi rin dapat pilitin na pagbayarin ang mga consumers sa undelivered water service.

 

Ang utos sa pagpapasuspinde sa paniningil ng Manila Water ay maaaring ilabas sa pamamagitan ng executive order mula sa pangulo o kaya ay sa MWSS.

Facebook Comments