Paninira kay First Lady Liza Araneta-Marcos, ipinanawagan ng ilang grupo na itigil kung walang ebidensiya

Nagpaalala ang grupong Alyansa ng Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) sa publiko na manatiling nakabatay sa katotohanan sa kabila ng lumalalang ingay at paninirang pulitika.

Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, hindi kailangan ng drama ang katotohanan at mananatili itong matatag kahit anong paratang ang ikalat laban sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Giit niya, habang abala ang ilan sa paggawa ng iskandalo, patuloy ang trabaho ng Pangulo at Unang Ginang para sa ekonomiya, imprastruktura, at mga programang panlipunan.

Dagdag ni Goitia, tina-target umano ang Unang Ginang dahil tahimik at hindi ito nakikisawsaw sa gulo saka nakatuon sa dapat gawin tulad ng kultura, edukasyon, at institusyonal na reporma.

Binigyang-diin din pa ng grupo na ang tsismis at walang basehang akusasyon ay nakakasira sa bansa at naghahati sa publiko.

Dahil dito, hinikayat ni Goitia ang publiko na hanapin ang ebidensya at huwag maniwala sa mga nag-iingay kung saan tigilan na sana ang paninira sa pinuno ng bansa.

Facebook Comments