Manila, Philippines – Isang paninira para kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, ang paglabas sa international news ng video ng operasyon kontra droga ng mga pulis Maynila sa Barangay 19, Tondo, Manila na nangyari noong October 16, 2017.
Ayon kay PNP Chief Dela Rosa, ang paninirang ito ay itinaon kung saan nagpapatuloy ang oral argument kaugnay sa oplan double barrel ng PNP at kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrido Duterte na nais niya nang ibalik sa PNP ang pangunguna sa war on drugs ng PNP.
Lumalabas sa international news na tila pinatay ng walang kalaban-laban ang apat na drug suspects nang magsagawa ng operasyon kontra iligal na droga ang mga operatiba ng Manila Police District.
Naniniwala si PNP Chief Dela Rosa na ang mga nasa likod ng mga paninirang ito ay kanilang mga nasagasaan sa kanilang mga isinagawang war on drugs.
Ginagamit daw ng mga taong ito ang kanilang kapangyarihan upang hindi maibalik sa PNP ang war on drugs nang sa ganun manatiling mamayagpag ang transaksyon nng iligal na droga sa bansa.
Sa huli sinabi pa ni Dela Rosa, inaasahan na raw nila ang mga paninirang ito.