Paninira ni Sen. Imee Marcos sa kapatid na si PBBM, hindi nakaka-Pilipino ayon sa isang senador

Tinawag ni Senate President pro-tempore Ping Lacson na “un-Filipino” ang ginawang paninira ni Senator Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos sa gitna ng kontra-katiwalian na kilos protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Banat ni Lacson kay Sen. Imee , hindi nakaka-Pilipino ang pagyurak sa pagkatao ng isang kapamilya sa harap ng publiko.

Nawalan ng bilib si Lacson sa ginawa ni Sen. Imee dahil may iba namang forum para rito at hindi dapat hayagan na ilaglag at siraan ang kapatid sa harap ng daang libong tao lalo na sa mabigat na isyu ng paggamit ng iligal na droga.

Aniya, ang ganitong klaseng hindi pagkakasunduan ng magkapatid ay inaayos sa bahay kaya naman ang ginawa ng senadora ay hindi katanggap-tanggap bilang isang Pilipino.

Samantala, nang tanungin kung ano ang maaaring motibo sa ginawa ni Sen. Marcos, sinabi ni Lacson na wala nang ibang motibo kundi pulitika lamang.

Facebook Comments