Paninisi ng ACT Teachers Partylist sa More Power sa nangyaring malawakang blackout, walang basehan – More Power President Castro

Itinuturing lamang ng More Electric and Power Corporation(More Power) ang power distribution utility sa Iloilo City,  bilang simpleng akusasyon na walang basehan ang naunang pahayag ni ACT Teachers Partylist Rep France Castro na dapat managot ang kumpanya sa naranasang malawakang blackout sa Panay Island.

Sa isang radio interview sinabi ni More Power President at CEO Roel Castro na mahirap sagutin ang bintang ni Rep. Castro lalo at wala itong basehan.

“mahirap sagutin yung pahayag ni Rep Castro, sa tingin ko in fairness and with respect to Congressman she doesn’t understand the whole system and mahirap na po magrespond kung mali naman ang basis nila. It was just an accusation and walang basis” paliwanag ni Castro.


Bagamat una nang tinukoy ng Depatment of Enegy(DOE) at Energy Regulatory Commission(ERC) na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na syang may pagkukulang sa nangyaring blackout ay tanging si Rep Castro ang nag-isyu ng statement na dapat din isama sa mananagot sa insidente ang More Power.

Sa ginawang imbestigasyon ukol sa isnidente sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ang dapat sisihin sa insidente ay ang ang power grid operator o ang NGCP.

“To me, the main accountability is with them because it is NGCP that is tasked with maintaining the stability of the grid.  The NGCP said it would finish the Panay-Negros-Cebu Interconnection Project in August 2023. And they were not! We are now in January and they promised this in August,” paliwanag ni Lotilla.

Ang Panay ang ika 6 na pinakamalaking isla sa bansa, kinabibilangan ito ng probinsya ng Aklan, Antique, Capiz at Iloilo. 

Ipinaliwanag ni More Power President Castro na bagamat hindi maiiwasan na may ilang mga disturbances o problema sa system ay posibleng naiwasan sana ang pagcollapse nito at nangyaring total blackout kung agad nagkaroon ng pag-aksyon ang NGCP.

Aniya, alas 12:00 ng tanghali noong January 2 ay nasa 83 megawatts ang nawala mula sa grid system dahil nagkaroon ng shutdown ang isang planta, dapat naagapan ito subalit ang sumunud na nangyari ay nagkaroon ng sunud-sunud na shutdown ang 6 pang planta.

“After two hours anim na planta naman ang sunud sunud na nagshutdown, the question is bakit nagkaroon ng sunud sunud na shutdown after two hours and to put in proper perspective itong mga faults kasi are possible and it can always happen they will be some disturbance, pero the system operator, ang NGCP,  they are supposed to protect the system para hindi magcollapse. Seven plants in the island was out, the fact na nagkaroon ng total blackout means that the system has not been protected. Yan yung simplistic understanding kung ano ang nangyari po” ani ni  More Power Executive Castro.

Aminado si More Power Executive Castro na sa peak ng El Nino Phenomenon ay posibleng maulit kaparehas na insidente kung mabibigo muli ang NGCP na proteksyunan ang buong grid system.

“Even if there is enough generating capacity, it’s possible na maulit ulit ang ganitong total blackout if the system operator will not be active or will not be working” dagdag pa ni More Power President Castro.

Sinabi pa ng opisyal ng More Power  na patuloy ang kanilang ginagawang koordinasyon sa NGCP para sa pagbabalik ng kuryente sa mga residente ng Iloilo City, sa ngayon ay nasa 48 hanggang 50% pa lamang ang kayang alokasyon ng NGCP kaya naman nasa 50% pa lamang ang nabibigyan ng kuryente sa peak demand at nakakaranas pa rin ng rotational brownout sa probinsya.

Facebook Comments