MANILA – Umalma si committee on local Government Chairman Senator Bongbong Marcos Jr. sa pahayag ng Pangulong Noynoy Aquino na ang pagsasabwatan ng dalawang senador ang dahilan kaya hindi naipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.Ayon kay Marcos, baka kailangan na may magpaliwanag kay Pangulong Aquino hinggil sa proseso ng paggawa ng batas upang maunawaan nito kung bakit ang panukala na magbubuo ng Bangsamoro Autonomous Region ay hindi naipasa.Paliwanag ni Marcos, ang BBL na dine-deliberate sa senado ay pang-local na batas, at base sa proseso, kailangan hintayin kunang matapos ito sa House of Representatives bago puwedeng pagbotohan sa Senado.Pero nabigo aniya ang mababang kapulungan na maipasa ang BBL kayat hindi ito maaring maaprubahan ng Senado.Binigyang diin ni Marcos na suportado nya ang proseso ng kapayapaan, at suportado nya ang Basic Law on Bangsamoro Autonomous Region kaya buo ang paniniwala nya na mahalagang maituloy ang proseso na ito.
Paninisi Ni Pnoy Kaugnay Sa Hindi Pagpasa Ng Bbl, Pinapalagan Ng Isang Senador
Facebook Comments