Paninita sa mga Babaeng Nagsusuot ng Sexy Shorts, Binatikos ni SK Fed Pres. Charlene Quintos!

*Cauayan City, Isabela- *Mariing binatikos ni Ms. Charlene Quintos, *SK Federation President *ng *Cauayan City *ang ginawang paninita sa mga kababaihan nitong nagdaang pista ng mga barangay sa Lungsod ng Cauayan.

Ito’y matapos makatanggap ng impormasyon na may isang barangay umano ang nanita sa mga babaeng nakasuot ng maiksing shorts habang kasalukuyan ang kanilang pista sa lugar.

Paliwanag umano ng mga nanita na makaiwas ang mga babae sa maaaring pambabastos ng mga kalalakihan na kasalukuyang umiinom sa lugar.


Giit naman ni Quintos, wala sa pananamit ang pambabastos ng isang tao dahil kung bastos anya ang isang tao ay mayroon talagang mabibiktima at malaya naman ang isang tao sa kung anong klaseng damit ang gustong isuot at kung saan ito kumportable.

Kaugnay nito, kanyang hiniling na huwag ibalik ang paninisi sa biktima sa nagawang kasalanan ng isang tao.

Samantala, personal namang ibinahagi ng SK Chairman ng Brgy Baringin Norte, Sta. Luciana at SK Treasurer ng Brgy. Culalabat ang kani-kanilang accomplishments at kasalukuyang programa sa mga nasasakupang barangay.

Facebook Comments