PANLABAN | Cellphone video, pwedeng ebidensya sa mga lalabag sa batas kontra paputok

Manila, Philippines – Tiniyak ni NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde na pwedeng gamitin na ebidensya ang video sa cellphone para sa mga iligal na magpapaputok ngayong pagpapalit ng taon.

Hinikayat ni Albayalde ang publiko na kuhanan ng video ang mga makikita o maaaktuhang nagpapaputok na wala sa tamang lugar at magpapaputok ng illegal firecrackers.

Maaari aniya itong gamiting ebidensya sa imbestigasyon laban sa mga lalabag sa Executive Order 28 at RA 7183.


Nilinaw naman ni Albayalde na sa itinatakdang firecracker zone sa bawat komunidad, lahat naman aniya ay pwedeng magpaputok, manood at makihalubilo.

Pinayuhan naman nito ang publiko na mag-ingat sa pagpapaputok at i-report ang anumang kahina-hinalang mapapansin sa kapaligiran.

Facebook Comments