Ikinaalarma ni Senator Grace Poe, ang nagdagsaan panloloko gamit ang mga mobile phone.
Dahil dito ay iginiit ni Poe na kailangang magkasabay na umaksyon ang gobyerno at pribadong sektor laban sa mga sindikato.
Hinihikayat din ni Poe, ang lahat na mas lalong maging mapagmatyag at tingnan ang mga senyales ng mga iligal na aktibidad upang maprotektahan ang mga personal at sensitibong impormasyon.
Diin ni Poe, kailangan ng tuluy-tuloy na pagpapalakas ng mga mekanismo tulad ng mga umiiral na hotlines, kung saan maaaring magsumbong ang taumbayan ng mga ‘spams at scams’ at makakuha ng agarang tulong.
Ayon pa kay Poe, kinaramihan sa mga biktima ng ganitong panloloko ay mga mahihirap na nagbibigay ng pera sa pag-asang makakakuha ng trabaho.
Facebook Comments