Panngulong Duterte – naniniwalang hindi ISIS ang may kagagawan ng magkakasunod na insidente ng pagsabog sa Quiapo, Maynila

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kagagawan ng teroristang ISIS ang nangyaring magkakasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila kamakailan.

Sa programang “Mula Sa Masa Para Sa Masa” ng pangulo sa PTV-4, sinabi nitong hindi bobombahin ng ISIS ang Quiapo lalo’t maraming Muslim ang nakatira roon.

Aniya, posibleng personal na away sa pagitan ng ilang pamilya o grupo ang dahilan ng mga pagsabog.


Aminado naman ang Pangulo na talagang mapanganib ang mga aktibidad ng ISIS.

Pero aniya, hindi rin tamang isisi lahat sa ISIS ang kahit ang mga bagay na hindi naman nila ginawa.
DZXL558

Facebook Comments