PANOORIN: 5-buwang gulang na sanggol, tinangay ng bagong yaya

2438
CCTV footage from Barangay Bambang, Taguig City

Kuha sa closed-circuit television (CCTV) camera ang pagtangay ng isang yaya sa inaalagaang 5 buwang gulang na sanggol sa Barangay Bambang, Taguig City.

Pahayag ng inang si Princess Jean Perrin, nangyari ang insidente, Miyerkoles ng umaga, habang natutulog siya at partner niya na parehong panggabi ang trabaho.


Nang magising sila makalipas ang tatlong oras, wala na ang anak na si Taylor Hayley Victoriano at yayang si Kristine Joy Salik, 34 anyos.

Ayon pa kay Perrin, isasama dapat nila sa pagtulog si Baby Taylor subalit pinilit ni Salik na siya nalang muna mag-aalaga para makapagpahinga daw ng maayos ang mag-asawa.

Kaagad silang nagtungo sa awtoridad at sa address na nakalagay sa isinumiteng Taxpayer Identification Number (TIN) ID at barangay clearance ng suspek. Pero walang nakakakilala kay Salik sa nasabing lugar.

(LEFT) TIN ID submitted by the suspect. (RIGHT) Photo of missing Baby Taylor Hayley Victoriano

Kuwento ng magulang, nakipag-ugnayan sa kanila ang salarin matapos silang magpost sa Facebook group na nag-rerefer ng mga kasambahay.

Sa isang anggulo ng footage, mapapansing tumitigil sa isang gilid at iniiwasan ni Salik ang mga nakakasalubong niya.

Teorya ng pulisya, maaring peke ang dokumento at pangalang ginamit ng katulong.

Para sa mga nakakita o nakakaalam ng kinaroroonan ni Baby Taylor o ng kidnapper, maaring makipag-ugnayan kay Perrin sa numerong 0917-179-0393 o sa Taguig City Police Station hotline na 0939-504-7033.

Facebook Comments

From Advertisers